Bawal pang umangkat ng puting sibuyas ang Pilipinas sa kabila ng panawagan ng ilang grupo na dapat nang payagang makapasok sa bansa ang naturang produkto, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo.

Nilinaw ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, walang ibinibigay na import permit ang gobyerno para sa puting sibuyas.

Aniya, dapat ay walang puting sibuyas sa bansa. 

Wala rin aniyang nakaimbak na puting sibuyas sa mga cold storage.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinabi nito na kung mayroong katulad na produkto sa bansa ay tiyak na ipinuslit ito.

Kamakailan, nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa dalawang tonelada ng puslit na puting sibuyas sa Zamboanga City.

Sa report ng DA-Region 9, naharang nila ang isang cargo van na naglalaman kahun-kahong sibuyas habang nasa Zamboanga City airport cargo terminal at nakatakdang ibiyahe sa Metro Manila.

Naunang inihayag ng ahensya na itinigil muna nila ang pag-aangkat ng puting sibuyas upang mabigyang pagkakataong kumita ang mga magsasaka nito sa bansa.