Apat na ang nasawi sa pagtama ng diarrhea sa Talaingod, Davao del Norte, ayon sa pahayag ng Provincial Health Office (PHO) nitong Sabado.

Sa datos ng PHO ng Davao del Sur, nakapagtala na ng mahigit sa 200 na kaso nito, bukod pa ang apat na namatay na naitala simula Setyembre 3 hanggang Oktubre ng taon.

Naitala ang unang kaso ng sakit nitong Setyembre at unti-unti nang nadadagdagan ang bilang nito.

Nitong nakaraang Huwebes, aabot sa 17 ang naitalang kaso ng sakit, ayon sa PHO.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“Nung nakarating na ang report sa rural health unit, pinuntahan naman agad pero marami na talaga ang affected. In fact may namatay na nga noon. Ang problema, meron na naman sa ibang sitio, pa-isa isa. Ang hirap kasi mapuntahan nung Sitio. Minsan, late pa 'yung pag-report,” pahayag ni Davao del Norte Provincial Health officer Dr. Alfredo Lacerona sa panayam sa telebisyon.

Idinagdag pa ng opisyal na isinailalim na sa state of emergency ang nasabing lugar nitong nakaraang buwan upang magamit ang pondo nito sa pagtulong sa tinamaan ng sakit.