Mahigit sa₱7.8 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Cebu City nitong Sabado.

Sinabi ni Provincial Police Office director Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, isa lang ito sa matagumpay na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa lungsod.

Sa pahayag naman ni Cebu City Mobile Force Company chief, Lt. Col. Dexter Calacar, ang plantasyon ng marijuana ay natiktikan nila sa bahagi ng bundok sa Sitio Song-on, Barangay Lusaran.

Aniya, bago ang kanilang operasyon ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa concerned citizen kaugnay ng marijuana plantation sa liblib na lugar ng lungsod.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Wala aniya silang nadatnang bantay sa nasabing taniman nang isagawa ang operasyon.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa ikatutukoy ng may-ari ng plantasyon upangmapanagot ito sa batas.