Sa pinakabagong episode ng kaniyang online legal lifehack series, sinagot ng human rights lawyer na si Chel Diokno ang karaniwang tanong aniya mula sa mga empleyado.

Pwede nga bang gamitin ang sick leave para magbakasyon?

Unang binahagi ng abogado ang nilalaman ng Philippine Labor Code partikular na ang Article 95 o ang “Right to service incentive leave.”

“Alam niyo ba sa ating Labor Code, walang mandated na sick leave or vacation leave. In general, ang mandated na leave para sa lahat ng employees na nakapagtrabaho ng at least one year ay tinatawag na Service Incentive Leave a Article 95, Labor Code,” anang dating senatorial aspirant.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dagdag niya, may limang araw na paid leave ang dapat tamasain ng bawat employer na malayang gamitin ito sa anumang paraan kabilang ang pagbabakasyon.

Paglilinaw naman ng abogado, “Kung sa inyong kompanya naman ay may binibigay na additional benefits na pang-sick leave, syempre dapat maging honest sa paggamit nito at syempre sumunod sa reasonable company rules and regulations.”

Ilan naman sa kaniyang followers ang nagpaabot ng pasasalamat kay Chel para sa paglilinaw sa isa ring “adulting” question, anila.