Nasa 2,367 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala pa ng Department of Health (DOH) nitong Sabado.
Sinabi ng DOH, umabot na sa 26,404 ang aktibong kaso ng sakit sa bansa.
Sa pagkakadagdag ng panibagong kaso ng sakit, nasa 3,980,629 ang tinamaan ng virus sa Pilipinas mula nang maitala ang unang kaso nito sa bansa noong 2020.
Tumaas naman sa 3,890,748 ang kabuuang nakarekober sa sakit, kabilang na ang 2,232 na bagong naitala nitong Oktubre 15.
Nakapagtala na rin ang DOH ng 63,477 kabuuang nasawi sa sakit sa bansa.
Sa nakalipas na dalawang linggo, nakitaan ng pagtaas ng hawaan sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Davao Region at Western Visayas.
Muli na namang pinayuhan ng DOH ang publiko na sumunod pa rin sa safety and health protocols upang hindi na lumobo pa ang kaso ng virus.