Ipinag-utos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Sabado, Oktubre 15, sa lahat ng police commander sa Metro Manila na iwasang magpadala ng mga pulis sa bahay ng mga media practitioner, na tila nabigyan ng go-signal bilang bahagi ng pagsisikap na ma-secure ang mga ito kasunod ng pagpaslang sa broadcast journalist na si Percival Mabasa.

Humingi rin ng paumanhin si NCRPO director Brig. Gen. Jonnel Estomo, sa mga mamamahayag, lalo na sa isang TV reporter na nauna nang ibinunyag sa social media ang pagbisita ng isang pulis na naka-sibilyang kasuotan sa kanilang bahay.

Kinumpirma ni Estomo na ang pagbisita ay bahagi ng pagsisikap na i-secure ang mga media practitioners at kanilang mga pamilya, lalo na ang mga nakakatanggap ng mga banta sa kamatayan.

Basahin: GMA journalist, ‘tiniktikan’ ng pulis sa Marikina – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

"In our commitment to protect them from danger and ensure their safety, we have been reaching out to our friends from the media, especially those who have been receiving threats. Unfortunately, a police officer reportedly visited a media personality in civilian clothes. The intention is good but unfortunately, this have caused undue alarm and fear,” ani Estomo.

“However, upon learning of what happened on the ground, I immediately ordered all commanders from District Directors down to the Chiefs of Police and Station Commanders to stop and refrain from doing the same,” dagdag niya.

Nauna nang ipinag-utos ni Estomo sa lahat ng police commander na makipag-ugnayan sa media organizations at magsagawa ng dialogues bilang bahagi ng assessment para matukoy kung sino sa mga media practitioners sa Metro Manila ang tumatanggap ng death threats.

Ang kautusan ay inilabas matapos ang pagpatay kay Mabasa, na kilala rin bilang Percy Lapid, noong Oktubre 3 sa Las Piñas City. Inaayos pa ng pulisya ang pagpatay.

“In as much as the NCRPO is concerned about the safety and welfare of our mediamen, we confirm that it was our gesture to know if there are threats on their lives and of their families in order to assess the security assistance that we have to accord to them,” saad ni Estomo.

“Though we have a good intention to this endeavor, I personally apologize to all our media friends and investigation is already on place pertaining to this incident,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Estomo na ang pulis na bumisita sa reporter sa telebisyon ay nakilala na at agad na ipinatawag.

Aniya, isasagawa ang imbestigasyon.

Aaron Recuenco

.