Inanunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. na magkakaroon ng water service interruptions sa Metro Manila, Cavite at Bulacan sa Linggo, Oktubre 16 hanggang Martes, Oktubre 25 dahil umano sa mataas na demand nito sa Bagbag Reservoir.

Sa abiso ng nasabing water concessionaire, araw-araw nang makararanas ng pagkaantala ng water service sa bahagi ng Bulacan, Caloocan City, Makati City, Malabon City, Manila, Navotas City, Paranaque City, Pasay City, Quezon City, at Valenzuela City.

Mapuputol naman kada araw ang suplay ng tubig sa bahagi ng Bacoor City, Caloocan City, Cavite City, Imus City, Kawit, Las Pinas City, Makati City, Malabon City, Manila, Noveleta, Paranaque City, Pasay City, Quezon City and Rosario, Cavite, simula Oktubre 17 hanggang Oktubre 24.

“We encourage our affected customers to store enough water when supply is available. Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,” ayon sa Maynilad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Our mobile water tankers are also doing the rounds of the affected areas to deliver potable water, and stationary water tanks are installed in several areas,” dagdag pa ng kumpanya.