Ilang kustomer ng Maynilad sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila ang makararanas ng water interruption simula ngayong Sabado, Oktubre 15 hanggang Lunes, Oktubre 24.

Sa isang abiso, sinabi ng Maynilad na ang water interruption ay dahil pa rin sa mataas na demand ng tubig sa Bagbag Reservoir.

Sinabi ng Maynilad na ang water service interruption ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi mula Oktubre 17 hanggang Oktubre 24.

Ang mga apektadong barangay sa lungsod ay 72, 73, 93 hanggang 97, 99 hanggang 100, 102 hanggang 104, 107 hanggang 108, 123, 598 hanggang 600, 649, 675 hanggang 676, 687 hanggang 695, 72,419 hanggang 737, 745 hanggang 762, 769, 803, 807, 821 hanggang 822, 826 hanggang 828, 841 hanggang 844, at 849 hanggang 853.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Tiniyak ng Maynilad na nakahanda ang kanilang mga mobile water tanker na i-deploy para maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar.

Jaleen Ramos