Ikinuwento ng GMA journalist na si JP Soriano na may isang indibidwal na nagpakilalang pulis, na hindi nakasuot ng uniform, ang nagpunta sa kaniyang tahanan upang i-check kung may "threat" daw sa kanila kasunod ng pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid. 

Sa ilang tweets, sinabi ni Soriano na may isang nagpakilalang pulis ang nagpunta sa kaniyang tahanan ngunit ito ay hindi nakasuot ng uniform kahit na nagpakita naman daw ito ng ID.

"Isang nagpakilalang Pulis ang nagpunta sa aking private residence ngayon, nagpakita ng I.D. pero hindi naka uniform, Hinanap ako at maayos namang nagpakilala at sinabing inutusan daw sila ng #PNP para “kamustahin” ang mga journalists at kung may “threat” ba sa amin?" saad ni Soriano nitong Sabado, Oktubre 15.

"Sila raw ay inutusan ng #PNP na “i-check” ang lagay ng mga journalist matapos daw ang nangyari kay Percy Lapid. Sinabi ko na wala naman threat sa akin or sa amin, tinanong kung pwede akong kuhanan ng picture for documentation and I politely declined," dagdag pa nito.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

https://twitter.com/jpsoriano/status/1581171491592282113

Nang makaalis na ang nasabing pulis, agad daw niyang tinawagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro at kinumpirma na galing daw umano ang instructions sa PNP. Bukod sa kaniya, may isa pa raw na journalist ang tumawag sa alkalde at pinuntahan din daw ito sa private residence.

"Unalis na ang Police officer na hindi naka uniform at hinanap naman ang address ng isa pang media journalist na neighbor ko. Agad kong tinawagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro at kinumpirma na galing daw umano ang instructions mula sa National PNP at isa pang journalist ang tumawag sa kanya at nagsabing pinuntahan din sila sa kanilang private residence," aniya.

"Isa po itong malinaw na paglabag sa Privacy Act, at kung nais talagang makipag coordinate ng @pnppio to check on us, dapat ito ay ginagawa sa aming opisina, HINDI sa aming tahanan," sabi pa nito.

https://twitter.com/jpsoriano/status/1581174027858558976

Samantala, tumawag daw kay Soriano si DILG Secretary Benhur Abalos at sinabing iimbestigahan nila ang insidente.

"UPDATE: DILG Secretary Abalos called me and gave assurance that he would immediately investigate the matter and would provide whatever necessary assistance. The PNP Spokesperson also coordinating now.

"Linawin ko lang po na hindi ang intensyong tulungan at proteksyunan kami ng PNP ang naging issue for me, That is something na Ma-Appreciate ko personally, Pero Bakit po sa bahay namin? Paano at saan nila nalaman ang aming home address? at bakit kailangan ako kuhanan? what for?"

https://twitter.com/jpsoriano/status/1581202324671774720

Sa pag-uulat, wala pang pahayag ang PNP hinggil sa nangyaring insidente.