Kasama ang kapatid na si Lynelle Espanto, si Kapuso young actress Cassy Legaspi ang muse ni Kapamilya singer-actor Darren Espanto sa kamakailang premiere ng isang web series.

Sharp and dashing sa magpareha pa nilang black and white attire ang magkaibigan sa premiere ng “K-Love” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Sue Ramirez, Gabby Padilla, Isabelle Daza, Jake Cuenca, bukod sa iba pa.

Sa komento ng soon-to-be-mom actress sa Instagram post ng Kapamilya singer, nagpaabot ng pasasalamat si Iza sa suportang ipinakita ng dalawa para sa brand new series.

Samantala, kinakiligan naman ng maraming  fans nina Cassy at Darren ang bago na namang larawan ng dalawa na magkasama.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

“Ang Cassren heart ko kinikilig owemji!! congratulations sa inyoooo!🤍” komento ng isang fan.

“Layag na layag ang barko!”

“Ang guwapooo. Ganda rin ni Cass.💚💚💚

“Ayy kilig ak sainyo🥰🤩Bagay na bagay kayo dalawa sana kayo hanggang dulo hehe💜🥰

“Stay happy always, #Cassren🥰

Sa isang larawan, makikita pang nakatitig ang Kapamilya singer sa Kapuso actress.

Nauna nang sinabi ng ina ni Cassy na si Kapuso actress Carmina Villaroel na magkaibigan lang ang anak at ang Kapamilya singer.

Kumpiyansa naman si Carmina kay Darren na parehong malapit sa kaniyang kambal.

“Ang maganda kasi kay Darren kasi pumupunta din sa bahay kaya kilala namin ni Zoren. Mabait na bata si Darren. Very respectful. Like I said, pinagdaanan ko ‘yan. Gusto kong ma-enjoy nila yung kanilang kabataan kumbaga. But it’s all clean fun,” ani Carmina sa isang panayam noon ng PEP.

Basahin: Carmina Villaroel, tiwala kay Darren at Cassy: ‘Gusto kong ma-enjoy nila yung kanilang kabataan’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tiwala rin ang Kapuso celebrity mom para sa kaniyang mga anak.

“I always tell my kids that I trust them. I really trust them na sana ‘wag lang talaga nilang sirain kasi pinagkakatiwalaan ko sila. At yun ang importante, gusto kong maging masaya silang mga bata,” aniya.