Ipinag-utos ni Mayor Leonardo Pattung ang preemptive evacuation sa Brgy. Taytay, Baggao Cagayan dahil sa banta ng landslide sa lugar.
Prayoridad ng alkalde ang kaligtasan ng mga residente lalo na sa panahon ng bagyo.
Ang evacuation ay pinangunahan ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kasama ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at kaalyadong tanggapan mula sa opisina ni Provincial Governor Manuel Mamba.
Samantala, napansin ng MDDRMO ang biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa Taytay-San Isidro Bridge kaya naman bawal dumaan ang mga maliliit na sasakyan dito.
Ang nasabing tulay ay ang tanging daan palabas ng Brgy. Barsat West, Nangalinan, Taytay, at San Antonio