Tila nadismaya ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa presyo ng gasolina nang pakargahan niya ang kotse, batay sa kaniyang Instagram story.

Ibinahagi ni Carla ang pagkuha niya ng litrato sa nakalagay na presyo, na umabot sa ₱5,936.83 para sa 76.162 litro.

Nilagyan ito ni Carla ng text caption na "Hindi pa nga 'yan full tank" with sad emoji.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Screengrab mula sa IG ni Carla Abellana

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Puro reklamo! Barya lang 'yan sa inyo, kumpara sa aming mga ordinaryong mamamayan!"

"Daming ewan dito? Bakit, porke ba artista siya wala na karapatan magreklamo, nadaing lang yung tao syempre ang laki ng itinaas.. mayaman o mahirap ramdam ang inflation sa mundo… dahil sa digmaan ng dalawang bansa lahat ng konsumo ng produkto apektado… walang sikat, walang simpleng mamamayan halos lahat ramdam 'yan."

"Masyadong allergic ang mga tao sa mga rant post. Kapag ba nag-rant ng ganyan, awtomatiko ang sisi sa idol ninyo?"

"Oa mo naman madam. Huwag ka magsasakyan. Feeling nito sa Pilipinas lang mataas ang bilihin🙄. Kulang sa pansin."

"Hahaha baka sinaid mo laman ng tangke mo di syempre malaki babayaran mo pag full tank mo…"

"Hindi lang naman dito sa Pilipinas ramdam ang pagtaas ng mga produkto. Karapatan ng bawat isa ang umaray sa ganitong sitwasyon. Mayaman o mahirap. Pero huwag n'yo na kaming gatungan (mga mahihinang nilalang) lalo po naming nare-realize na ipagpasalamat ang maliliit na blessings sa buhay!"

Kilala si Carla sa pagiging vocal sa mga isyung panlipunan gayundin sa pangangalaga sa kapakanan ng mga hayop.