Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Nadakip ng mga pulis ng Central Luzon ang anim na Most Wanted Persons (MWPs) sa magkahiwalay na manhunt operation noong Oktubre 13 at 14.

Kinilala ni Police Regional Office 3 Director PBGEN Cesar Pasiwen ang anim na MWP na sina William Kahulugan, 36, nakalista bilang Provincial Level MWP ng Laguna sa bias ng Warrant of Arrest para sa panggagahasa (sexual assault); Maryrose Aquino, 27, kabilang sa Top 5 MWS ng Capas Tarlac para sa two counts violation sa Section 10A ng RA 7610; Jolly Jean Vana, 42, isa sa mga MWP sa Cabanatuan City, Nueva Ecija para sa three counts violation sa BP 22; Dranreb Cunanan, 46, Top 1 na MWP sa Angeles City, Pampanga para sa kasong Robbery with Homicide; Richard Quinsay, 30, para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng RA 7610 Sec. 5; at Jener Macaspac, 24, para sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Art. 266-A, Par. 2 ng RPC. 

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng arresting unit o stations para sa tamang disposisyon.

Ipinahayag ni PBGEN Pasiwen na ang mga MWP na naaresto ay haharap sa pag-uusig at pananagutin sa kanilang mga krimen. 

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga