Itinaas na sa Signal No. 2 ang limang probinsya sa Luzon at lima pang lugar ang apektado ng bagyong Neneng, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather bulletin ng PAGASA, ang apat na lugar ay kinabibilangan ngBatanes, Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, Apayao, northern portion ng Abra (Tineg, Lacub at Lagayan) at Ilocos Norte.
Nasa Signal No. 1 naman ang northern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu at Roxas),Kalinga, natitirang bahagi ngAbra,northern portion ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada at Besao), atnorthern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia at Salcedo).
Sa pagtaya ng ahensya, posibleng dumaan o mag-landfall ang bagyo sa bisinidad ngBabuyan Islands o Batanes sa Linggo ng umaga.
Sinabi ng PAGASA, lalabas sa Philippine area of responsibility ang bagyo sa Lunes, Oktubre 17.
Huling namataan ang bagyo 255 kilometro silangan timog silangan ng Calayan, Cagayan o230 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 30 kilometer per hour (kph), taglay ang lakas ng hanging 65 kph at bugsong hanggang 80 kph.
Binalaan din ng ahensya ang publiko dahil sa inaasahang matinding pag-ulan sa northern portion ngmainland Cagayan, Babuyan Islands at Ilocos Norte.
Mararanasan naman ang katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Sur at natitirang bahagi ng mainland Cagayan hanggang Linggo.