Limang lugar na sa Luzon ang isinailalim sa Signal No. 1 sa bagyong Neneng.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa mga nasabing lugar ang Batanes, Cagayan, eastern portion ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol), extreme northern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon), at extreme northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos).

Sinabi ng PAGASA, napanatili pa rin ng bagyo ang kanyang lakas habang kumikilos patungong kanluran timog kanluran sa dulong bahagi ng northern Luzon.

Posible pa ring makaranas ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa Batanes, Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, at Abra sa susunod na 24 oras.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa pagtaya ng PAGASA, tatama ang bagyo sa bisinidad ng Babuyan Islands o sa Batanes sa Linggo ng umaga bago ito lumabas sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes.