Napakinggan na ng fans simula nitong Huwebes ang brand new “Lovescene” album ni James Reid kung saan ibinahagi ng actor-music producer na isang kanta ang partikular na isinulat tungkol sa ex-girlfriend na si Nadine Lustre.
Tampok sa ten-track record ang mga kantang “Cali Lovin,” “Fallin,” “Chasin,” “Always Been You,” Stay,” “Spotlight,” at “Bring Me Back.”
Naka-collaborate din ng Pinoy-Australian star sina Destiny Rogers sa kantang “Lie To Me,” at ang “The Rose” vocalist na si Woosung sa kantang “Hold On Tight.”
Kasunod ng release, isang listening party ang inilunsad ng aktor sa Instagram kung saan ilang kuwento ng bagong album ang kaniyang ibinahagi.
“Lovescene is an album about being in a spotlight and how it affected past relationship,” pagbabahagi ni James.
Bago naging romantic couple, matatandaang isa sa pinakasikat na onscreen couple noon sina James at Nadine na bumida sa mga hit TV series at big screen projects.
Sa paglalarawan nga ng Careless Music Manila, ang self-established record label ni James, isang “journey through the life and death cycle of love” ang “Lovescene.”
Lalo naman nalungkot ang JaDine fans matapos aminin ni James na ang kantang “Always Been You” ay tungkol pa rin kay Nadine.
Sa kanta, mapapakinggan ang mga sumusunod na salita:
Missing what I never had
It's always been you
When everybody gets in the mood
I always end up dancing with you
Dancing with you
Oh babe
Wasted time I want it back
I'd spend it with you
Can't hide it when I know that it's true
Cuz I know it's always been you
Muling ikinalungkot ng maraming JaDine fans ang bagong kanta na anila’y mga napagtanto ng aktor kasunod ng pinag-usapang hiwalayan.
Matatandaang Enero 2020 nang maghiwalay ang showbiz couple matapos ang kanilang apat na taong relasyon.
Dalawang taon ang nakalipas, napabalita naman ang bagong relasyon ni Nadine sa Filipino-French businessman na si Christopher Bariou nitong 2022.
Wala pang reaksyon si Nadine sa bagong kanta.