ARITAO, Nueva Vizcaya -- Inaresto ng mga pulis ang isang school principal kasunod ng kasong estafa na isinampa laban sa kaniya.

Naaresto si Greg Omar Badua, 43, principal ng Calitlitan Elementary School, Aritao, Nueva Vizcaya noong Huwebes, Oktubre 13, sa Purok 2 Brgy. Calitlitan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Setyembre 30 ng RTC Branch 30, Bayombong Nueva Vizcaya. 

Kinasuhan si Badua ng estafa na may inirerekomendang piyansa na P20,000.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental