Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng fuel subsidy fleet cards sa 3,500 rehistradong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa una, ikatlo, at ikaanim na distrito ng Quezon City mula Martes, Okt. 11, hanggang Huwebes, Okt. 13.

Sa ilalim ng City Ordinance SP 3100, Series of 2022, na nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at pinagtibay noong Marso 2022, may kabuuang 25,000 rehistradong miyembro ng TODA ang bibigyan ng fuel subsidy fleet cards sa lungsod.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ang bawat fleet card ay mayroong P1,000 halaga ng fuel subsidy na valid sa loob ng isang buwan.

Layunin ng fuel subsidy program na maibsan ang pasanin ng mga tricycle driver sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Ang pamamahagi ay pinangunahan nina Action Officer Engineer Al Flores, Task Force on Transport and Traffic Management (TFTTM) chief Dexter Cardenas, at Tricycle Regulatory Division chief Ben Ibon III.

Sinabi ng pamahalaang lungsod na namahagi na ito ng mga fuel subsidy fleet card sa mahigit 10,800 miyembro ng TODA mula nang ipatupad ito noong Hulyo 7.

Diann Ivy Calucin