SANCHEZ MIRA, Cagayan -- Sa gitna ng malalakas na ulan dulot ng Tropical Depression "Maymay," natagpuang patay ang isang lalaking Pygmy sperm whale sa baybayin ng Brgy. Magatan ng bayang ito.

Sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Huwebes, Oktubre 13, na nakita ng isang mangingisda ang patay na balyena. 

Ang insidenteng ito ay iniulat ni Rodel Cabulan, isang local government unit personnel, sa pinakamalapit na Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) 2 farm facility para sa kaukulang aksyon. 

Batay sa necropsy na isinagawa ng Marine Mammal Stranding and Rescue Operation Task Force na pinangungunahan ni Dr. Jefferson Soriano, makikita sa major findings ng 2.10 metro na Pygmy whale ang pagkakaroon nito ng foamy liquid sa lalamunan nito hanggang sa baga. 

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Bukod dito, natuklasan na ang walang laman na tiyan ng balyena ay naglalaman ng parasites kahit na ang internal organs nito ay intact at walang internal bleeding.

Ang mga sample ay kinolekta para sa karagdagang pagsusuri ng Philippine Marine Mammal Stranding Network (PMMSN) Laboratory, ayon sa BFAR.

"Whales and dolphins are mammals and can breathe air into their lungs. They cannot breathe underwater like fish can as they do not have gills. They breathe through their nostrils, called a blowhole, located right on top of their heads. The harsh weather may have added to the weakened state of the animal and eventually succumbed to death," ayon kay Soriano.