Binisita ni World No. 3 pole vaulter EJ Obiena si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malacañang nitong Biyernes.

Nai-post na sa official Facebook page ni Marcos ang mga litrato ng pagbisita ni Obiena sa Pangulo.

Nakita sa isa sa mga larawan ang pagbibigay ni Marcos ng medalya kay Obiena.

Sinabi naman niPhilippine Sports Commission (PSC) chairperson Noli Ealasa isang Twitter post, na nasabing courtesy call, naglabas ng direktiba si Marcos upang matiyak ang kapakanan ng mga atletang Pinoy at mabigyan din sila ng kinakailangang suporta.

"President @bongbongmarcos is a true sportsman and supporter of sport. Warmly welcomed the @psc_gov and EJ Obiena. He gave very simple, clear instructions – let's help our athletes because what they do is important to our nation. Thank you, Mr. President," banggit ni Eala.

Nitong Martes, nag-courtesy call din si Obiena kayHouse of Representatives Speaker Martin Romualdezkung saan nito tinanggap ang isang resolusyon na kumikilala sa 10 na Pinoy pole vaulter dahil sa karangalang ibinigay sa bansa.

PNA