Posibleng makaranas matinding pag-ulan sa Northern Luzon dahil sa bagyong 'Neneng' na inaasahang mag-landfall sa Babuyan Islands o Batanes sa susunod na 24 oras.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng lumakas pa ang bagyo na huling namataan1,015 kilometro silangan northern Luzon taglay ang hanging 55 kilometer per hour malapit sa gitna at bugso na hanggang 70 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph, ayon sa PAGASA.

Pagkatapos humagupit o dumaaan sa Babuyan Islands o Batanes, inaasahang lalakas pa ang bagyo habang kumikilos patungong Philippine Sea sa Sabado.

Probinsya

Kolehiyalang nanlaban umano sa 'rapist,' patay matapos pagsasaksakin

"The possibility of further intensification prior to its close approach to Extreme Northern Luzon is not ruled out," banggit pa ng PAGASA.