Matapos ang mahigit isang taong pag-atake ni Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo, walang preno nang binuweltahan ang kolumnista ni Shirley Kuan, ang long-time manager ng Kapuso actress.

Paglilinaw ng talent manager sa eklusibong panayam ng ">PEP, simula’t sapul ay “unprovoked” umano ang mga pag-atake ng showbiz commentator na nagsimula pa noong lumipat ang aktres sa GMA Network noong 2021.

Isa sa mga unang pag-atake ni Manay Lolit Solis vs Bea Alonzo noong Hunyo 2021

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“All this barrage of vile and toxic attacks is totally unprovoked from our end,” anang manager dahilan para masurpresa din umano ang kampo ni Bea.

Dagdag ni Shirley, kahit noon pang Star Magic artist si Bea, lagi na raw hindi imbitado si Manay Lolit sa mga press conference ng kaniyang talent.

“Sanay na dapat siya na hindi siya invited kapag may presscon si Bea ‘di ba? So anong isyu? It’s really a mystery for us that we don’t even care to solve,” aniya.

“How could you even offend anyone when you haven’t met?” dagdag niya.

Matatandaang iginigiit ni Manay Lolit ng umano’y pagtanggal ni Bea sa kaniya, kasama ang dalawa pang kaibigang manunulat na sina Salve at Gorgy, sa isang launch ng beauty brand noong Marso 2022.

Basahin: Manay Lolit, umalma sa ‘grave threats’ umano ng fans ni Bea, nagbanta ring maghahabla – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Paglilinaw ni Shirley, siya mismo ang nag-abiso sa nasabing beauty brand na hindi imbitahan ang mga showbiz writers sa product launch dahil sa mga ebidensya na ng “toxic attacks and bullying” laban kay Bea.

“This is not just a whim that we didn’t want, I didn’t want them invited, the three of them because they’re in cahoots, they’re a team,” ani Shirley.

“No manager would throw his/her artists to the wolves of her presscon,” dagdag niya.

Matatandaan na kaliwa’t kanang atake ang pinakawalan ni Manay Lolit tampok ang sari-saring isyu kagaya ng pagbatikos sa pagganap ng aktres sa “Start-Up PH,” at pagkukumpara kay Marian Rivera.

Gayundin, napagdiskitahan ni Manay Lolit ang kasalukuyang relasyon ng aktres sa aktor na si Dominic Roque sa pamamagitan ng pag-ungkat sa isyu sangkot ang dating karelasyon na si Gerald Anderson at current girlfriend nitong si Julia Barreto.

Giit ng manager, “Bullies are the one that are power-tripping, and that’s a fact. Playing-victim by reversing the narrative.”

“Klaruhin natin. ‘Yung mga bully sila ‘yung nagbabaliktad ng kuwento para maawa sa kanila at para sa kanila maniwala. We’ve been very quiet about it because we’re considerate of her age, of her situation even before she declared that she’s not healthy anymore, [and] getting treatment. Never kaming pumatol because bullies are just seeking attention,” dagdag niya.

“We do not glorify bullies. We will never glorify bullying because bullying is never okay. Bullying will never be okay,” pagpapatuloy ng manager.

Sa pagbasag ngayon ng kanilang katahimikan, nais linawin ng kampo ni Bea na hindi nila kailanman pinatulan o tinugunan ang mga atake ni Manay Lolit.

“I thought that people will understand that Bea has never provoked this bully,” anang manager.

Hindi naman kasama sa pinagpilian ng kampo ng aktres ang paghingi ng dispensa kay Manay Lolit.

“There are ways of handling bullies but not glorify them, not apologize to them, no tolerate them,” saad ni Shirley.

“We cannot control this person. I know her that well. She can twist. I’m too scared to allow her to twist the narrative,” dagdag niya.

Isa pa, nag-iingat ang manager para sa kaniyang alaga.

“Every move I make will reflect on her. Everything I say will reflect on her. We just don’t want to be near with this bully,” ani Shirley na mas gusto na lang dedmahin ang mga litanya ni Manay Lolit.

Sa huli, muling binigyang-diin ni Shirley na “unprovoked” ang mahigit isang taon nang pag-atake ng 75-anyos na showbiz personality sa kaniyang alaga.