Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa mga market retailer na makabibili pa rin ng abot-kayang presyo ng pulang sibuyas upang makasunod pa rin sila sa ₱170 kada kilo na suggested retail price (SRP) na itinakda ng gobyerno.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, nais lang ng ahensya na makakuha ng murang sibuyas ang mga retailer at mamimili na parehas ang kalidad 

"’Yung ating mga retailers, 'wag ho silang mag-alala kasi 'yung₱170 na suggested retail price, tutulungan po natin sila na makapag-comply, kaya tayo ho mismo naghahanap ngsupplierspara sa kanila," sabi ni Evangelista.

"'Yung quality po, rest assured na it will be the same quality. Itopo'ynanggaling din naman saiisangmagsasaka natin, mga taga-Nueva Ecija so 'yung quality po will be the same," aniya.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Dahil aniya sa mataas na presyo ng pulang sibuyas, tinatangkilik ng mga retailer ang maliliit upang madaling maibenta.

"Ngayon may mga retailer tayo na gusto nila maliit kasi madali raw ibenta. Kasi may mga consumers naman na gusto nila maliliit. Pero if mayroon tayong retailer na ang hihingiin nila ay malalaki dahil ang kanilang binebentahan ay mga restaurant usually, mayroon din po tayong mga ganyan," sabi pa ng opisyal.

PNA