Nagulat at hindi makapaniwala si Kapamilya singer Klarisse De Guzman sa bonggang alok ni “Unkabogable Star” Vice Ganda na maging producer ng kaniyang kauna-unahang major solo concert sa Nobyembre 18.

Ito ang pagbabahagi ng singer sa pagbabalik tanaw niya sa on-air na offer sa kaniya si meme sa isang episode ng “It’s Showtime” noong Hulyo.

“‘Di ko naman inakala na tototohanin ni Meme bilang pagkatiwalaan ka ng isang Vice Ganda. Sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso, at sobrang grateful ako,” aniya.

Basahin: Yayamanin! Vice Ganda, nag-alok bilang producer sa solo concert ni Klarisse De Guzman – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Gusto kong magpasalamat kay Meme dahil nagtiwala siya na magproduce ng concert. Hindi naman biro yon na pagkatiwalaan ka, at the same time sobrang saya, nakakataba ng puso. Thank you, thank you so much Meme, ‘di kita bibiguin, boom karakaraka!” saad ni Klang sa isang sneak peek sa kaniyang paghahanda sa concert.

Basahin: Unang major solo concert ni Klarisse De Guzman, kasado na; Songbird, todo-suporta! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Magkahalong excitement at kaba naman ang nararamdaman ngayon ng singer mahigit isang buwan pa bago ang musical treat.

Todo-paghahanda na rin ngayon si Klang para tiyaking “mai-enjoy ng manunuod” ang kaniyang unang concert.

Patikim ng singer sa ilang detalye ng concert, makikita ng fans ang iba niyang side bilang performer.

Mula 2013, ang Kapamilya singer ay nakilala bilang runner-up sa unang season ng The Voice Philippines dahilan para pasukin niya ang “Asap Natin ‘To.”

Napabilang ang singer sa kilalang “Birit Queens” kung saan kasama sina Morissette Amon, Angeline Quinto, at Jona, kabi-kabilang sold-out concerts sa loob at labas ng bansa ang kanilang itinanghal.

Si Klarisse ay isang Star Music artist, ang music label ng ABS-CBN sa likod ng mga hit songs na “Wala Na Talaga,” “Ikaw at Ako.” bukod sa iba pa.

Noong 2021, si Klarisse ang itinanghal na champion sa ikatlong season ng "Your Face Sounds Familiar."

“Kailangan handang-handa yong lungs ko, vocal chords ko, so maraming pagahahanda talaga,” dagdag ng singer sa kaniyang preparasyon.

Sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City gaganapin ang musical celebration ng singer na nakatakda ring magdiwang ng kaniyang nalalapit na tenth-year anniversary sa showbiz.

Available na ang tickets ng “Klarisse: Her Time” via TicketNet.