Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Biyernes na hindi siya makikialam sa kinakaharap na kaso ni dating Senator Leila de Lima.

Ito ay kasunod na rin pahayag ni De Lima na maaaring "atasan ni Marcos ang DOJ na huwag makialam sa pagbawi ng testimonya ng mga prosecution witness na dating nagdidiin sa dating senador."

"I think urging prosecutors to do one thing or another is interfering.I have said we are very, very clear that we have 3 departments of government at siguro naman hindi natin dapat — pabayaan natin, hindi naman natin dapat pinagdududahan ang process eh. I think the process is there, we are continuing to monitor what is going on," pahayag ni Marcos sa panayam sa telebisyon.

Matatandaanghinostage si De Lima sa loob ng detention facility sa Camp Crame kung saan ito nakakulong nitong Linggo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gayunman, napatay ang nang-hostage sa kanya, at dalawa pang miyembro ng Abu Sayyaf Group nang magtangka silang tumakas.

Nilinaw ni Marcos na wala naman umanong hinihiling sa kanya si De Lima nang makausap nito pagkatapos ng hostage taking incident.

Sinabi ni Marcos, inalok niya si De Lima na lumipat ng ibang detention center, gayunman, tumanggi ito.

"Sabi naman niya, hindi naman siguro kailangan. She never asked me to do anything," banggit pa ni Marcos.

Si De Lima ay nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center matapos maaresto noong Pebrero 24, 2017 dahil sa patung-patong na kaso kaugnay ng umano'y pagkakasangkot sa paglaganap ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison.