Muling naiulat kamakailan ang pambihirang urology case report sangkot ang binatilyo sa United Kingdom na sumailalim sa delikadong “sexual experimentation.”

Sa pagnanais na masukat ang ang sariling 'Junjun,' sa halip na panlabas na panukat kagaya ng ruler, isang buhol na kable ng universal serial bus o USB port ang napiling ipasok ng 15-anyos lang na kelot sa maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Paglalarawan ng case journal sa Science Direct, “fit and healthy adolescent with no history of mental health disorders” ang binatilyo na ginawa umano ang eksperimento “by sexual curiosity.”

Matapos ang bigong tangkang pagtanggal sa kable sa loob ng kaniyang ari dahilan sa internal na pagdudugo na nito, dinala na agad ang binatilyo sa ospital.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Lingid sa kaalaman ng kaniyang magulang, tanging medical staff ang nakaalam muna sa sitwasyon ng binatilyo kasunod ng serye ng eksaminasyon.

Dito sunod na nakita sa X-ray ang pagkakabuhol ng kable dahilan para isailalim agad sa komplikadong peno-scrotal urethrostomy ang pasyente.

Urology Case Report Volume 39, November 2021

Urology Case Report Volume 39, November 2021

“A longitudinal peno-scrotal incision over the palpable foreign body was made and careful dissection was undertaken through deeper tissues, splitting the bulbospongiosus muscle,” paglalarawan ng Science Direct sa operasyon.

“The knotted cable was revealed in the proximal aspect of the penile urethra and cut from the remainder of the cord. Both ends of the wire were pulled out successfully through the external urethral meatus,” dagdag na detalye nito.

Urology Case Report Volume 39, November 2021

Bagaman naging matagumpay ang operasyon kung saan kabit pa rin ang catheter at sa tulong ng antibiotic, nakalabas agad ang binatilyo sa ospital kinabukasan, ilang long-term effects ang tinitingnang maaaring lumitaw kalaunan, ayon sa parehong ulat ng Science Direct.

Nakikita namang dahilan ang “sexual experimentation and gratification,” gayundin ang maaaring “mental disorder” ng binatilyo sa likod ng bihirang kaso.