Itinanghal na grand winner ng matagumpay na "Drag Race Philippines" season 1 ang kalahok na si Precious Paula Nicole matapos ang finale episode nito kahapon ng Miyerkules, Oktubre 12, 2022.

Nakilala si Precious Paula Nicole dahil sa kaniyang husay sa akto ng paggaya kay Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, gayundin ang pag-transform niya sa kaniyang nakababatang kapatid na lalaki bilang drag queen.

Sa huling hamon sa kanila, nag-face off sila ng runner up na si Marina Summers nang i-perform nila ang awiting “Sirena” nina Gloc 9 at Ebe Dancel sa pamamagitan ng lip sync.

“Life is precious and so are we. Let’s continue to inspire and let’s continue to love. I am Precious Paula Nicole, your Drag Race Superstar," emosyunal na pahayag ni Precious Paula Nicole.

National

Chinese na ayaw sumuko, binaril sarili, patay

Larawan mula sa FB page ng Drag Race Philippines

Mapapanood ang buong episodes nito gayundin ang “Untucked” segment sa WOW Presents Plus, HBO Go, at Discovery Plus.