Nagpasalamat si dating Senador Leila de Lima kay Senador Robinhood Padilla sa pagbisita nito sa kaniya noong Miyerkules, Oktubre 12.

"I wish to convey my heartfelt gratitude and appreciation to Sen. Robinhood Padilla for taking the time to visit me here in PNPGH yesterday, together with his brother Rommel, Rey Langit and his Senate staff," saad ni de Lima sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 13.

Ito raw ang unang beses na nakita at nakausap niya ang senador.

"It is my first time seeing and talking to him personally (which lasted for more than half an hour), and it’s a little bit surreal and disconcerting that the topic of our first meeting is the very alarming and near-death incident last Sunday. Ni sa imahinasyon kasi ay hindi ko naisip na mangyayari yun," aniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Samantala, nagpasalamat din ang dating senador sa 'concern' at 'kindness' ni Padilla.

"Thank you for your concern and kindness, Sen. Robin. Thank you for the sincerity in listening as I recount that terrible experience of mine and for personally checking on my condition. I wish you all the best in the Senate. Ingat po kayo lagi!"

Binisita ni Padilla si de Lima sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa Camp Crame, Quezon City para tiyakin sa huli na ang kriminalidad at terorismo ay hindi bahagi ng turo ng Islam.

"Gusto ko po iparating sa kanya, kung anumang ginawa nitong Abu Sayyaf, ang nagawa nilang hindi maganda, nagawa nilang kaguluhan, terorismo o pananakot, yan ay hindi katuruan ng Islam," anang senador.

Matatandaang hinostage ng Abu Sayyaf members si de Lima noong Linggo.

“Yan ang mensahe na aming pinadala kay Sen. de Lima na isang Bikolano din ako, na talagang ako ay nalungkot din at nabigla din at nagpapasalamat din po sa PNP sa aking kababayan na Igorot na naging bayani sa pangyayaring ito," dagdag pa niya na tumutukoy kay P/Cpl. Roger Agustin na sugatan sa naganap na hostage taking.