Trending ngayon sa social media ang TV personality at podcaster na si Joyce Pring matapos ang kaniyang kontrobersyal na pahayag ukol sa mga "non-believers" ni Jesus Christ.
Sa kumakalat na clip mula sa podcast ng kapwa podcaster at vlogger na si Wil Dasovich, tinanong siya nito kung anong mangyayari sa taong "non-believers".
"Do you believe the non-believer can go to heaven?" untag ni Wil.
"A non-believer… as in somebody who doesn't believe in Jesus?" paglilinaw ni Joyce.
"Yeah…" sagot naman ni Wil.
"No," walang kagatol-gatol na saad ni Joyce habang umiiling-iling.
Tila nabigla naman si Wil sa kaniyang sagot, kahit na nakangiti ito. Napasabi pa si Wil ng "Damn".
"What will happen to them?", segundang tanong ni Wil.
"They gonna face judgment," tugon ni Joyce. "Will go to hell."
"My God, that is so brutal!" nabigla at natatawang reaksiyon naman ni Wil.
"What? You're asking me an honest question… I'm giving you an honest answer," natatawa namang sagot ni Joyce.
Sunod namang natanong ni Wil kung ano ang gagawin ng non-believers na napunta sa impiyerno.
"Suffer in eternity? Forever…"
Natanong ni Wil kung hindi ba sila mabibigyan ng pangalawang pagkakataon ng Diyos at patatawarin sa kanilang kasalanan. Sagot naman ni Joyce, kahit ang mga taong nakagawa ng kasalanan o krimen ay patatawarin ng Panginoon kung sila ay magre-repent o buong pusong hihingi ng kapatawaran sa mga nagawa nila. Iyan umano ang dahilan kung bakit napako sa krus ng kalbaryo si Hesukristo.
Inihalintulad pa ito ni Joyce sa sitwasyon o senaryo sa loob ng court room. Aniya, “I think, what makes Christianity beautiful is that you don’t have to work for heaven, Jesus already did that for you. And so the only thing that you have to really realize is to accept that gift.”
”What is the gift? The gift is we’re sinners and God is a holy God- let’s say we are in a courtroom and God is the judge and you’re the criminal. Would God be a good judge if He just said ‘Okay sige, ‘wag na, you’re free. Like you killed someone in your life, and you’re free to go’. But what Christianity says happens is Jesus comes in and says ‘Okay, Wil deserves to be in jail but instead of Wil going to jail, I’ll be in jail, for his sake. Christ did on the cross.”
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:
"Joyce Pring grabe. I can’t hate her for her beliefs kasi she’s not causing harm on anyone pero very delikado behavior to think na murderers can go to heaven as long as they repent, compared to saint-like people who don’t believe in the Catholic God. Kinda fucked up idk."
"Yes go, judge Joyce Pring all you want. These people will never understand Christianity unless they start reading the Bible. I pray over these people may God forgive their hearts and soul."
"I would rather go to hell than be in heaven with self-righteous people like Joyce Pring. The sense of entitlement is 📈. Sige judge niyo na lang kami katamad na mag-explain."
"Masyadong judgmental ha? Diyos ka ba?"
"Idk why you're all bothered with Joyce Pring. If you're not a Christian then just ignore her. It may not be true for you but it is true for some. Don't impose your belief in others nga di ba. So walang pakielaman ng belief."
Samantala, wala pang tugon o pahayag si Joyce Pring tungkol sa isyung ito.