Naranasan mo na bang mabitin sa kanin habang kumakain sa isang fast food chain pero hindi ka na lang bumili dahil namahalan ka sa presyo nito? Kaya ang ending, papak-papak na lang sa natirang ulam!

Pero ibahin ang netizen na si "Rajel Eley" dahil imbes na i-deprive ang sarili sa extra rice, nagdala na lamang siya ng sariling kanin na ibinalot niya sa plastik na labo, nang kumain siya sa isang sikat na fast food chain.

Larawan mula sa FB ni Rajel Eley

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Dahil mahal ang extra rice at ayaw naman niyang mabitin, ito na lamang ang naisip niyang paraan upang maging praktikal; tutal naman daw ay wala namang maninita sa kaniya dahil umorder naman siya ng pagkain. Busog na, nakatipid pa!

"Gusto mong kumain sa labas kaso nananalaytay sa dugo mo ang pagiging hampaslupa", pabirong caption ni Rajel sa kaniyang Facebook post.

Larawan mula sa FB ni Rajel Eley

Marami naman sa mga netizen ang tila naka-relate sa kaniya.

"Matagal na namin ginagawa 'yan ng asawa ko pag nag-Jolibee kami. Lagi may baon na kanin para makatipid."

"Yes, ang mahal kaya ng extra rice, parang isang kilo na rin ang presyuhan."

"Ganyan din kami hahaha."

"Mas praktikal 'yan, tama… hahaha."

Noong Hulyo, isang magbabarkada naman ang kinaaliwan mula sa Nueva Ecija matapos nilang magdala ng isang kalderong kanin sa loob ng kaparehong branch ng fast food chain.

Ayon kay Tantan na taga-Nueva Ecija, pagdating sa entrance ng sikat na fast food chain ay binuksan nila ang takip ng mga kaldero at ipinakita sa security guard. Hindi naman daw sila pinagbawalan ng sekyu at pinayagan silang ipasok ang mga kanin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/13/rice-one-to-sawa-magtotropa-nagdala-ng-dalawang-kalderong-puno-ng-kanin-sa-fast-food-chain/">https://balita.net.ph/2022/07/13/rice-one-to-sawa-magtotropa-nagdala-ng-dalawang-kalderong-puno-ng-kanin-sa-fast-food-chain/