Nagbigay ng reaksiyon ang dating senador at presidential candidate na si Panfilo "Ping" Lacson, Jr. tungkol sa pinag-usapang pahayag ni Ilocos Norte 1st congressional district representative Sandro Marcos tungkol sa paghina ng piso kontra dolyar.
"The peso is not weak, because the peso is weak. The peso is weak because the dollar is strong," bahagi ng naging pahayag ng panganay sa tatlong anak na lalaki nina Pangulong Bongbong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
"The dollar is strong for two reasons: kapag may krisis po sa ating… mundo… the impression that investors, consumers, and shareholders get is that the dollar is the safest currency to get against all other currencies."
“So ang nangyayari ay lahat ng mga tao kapag may krisis ay bumibili ng dollar. Kapag binibili ‘yong dollar, ang demanda ng dollar tumataas, which means against other currencies it becomes stronger,” aniya pa.
Naging mabilis naman ang mga netizen at ginawan ng memes ang naging pahayag nito.
Samantala, sa kaniyang latest tweet naman nitong Huwebes, Oktubre 13, ay "sinakyan" naman ito ni Lacson.
"He says, 'The peso is weak not because the peso is weak. The peso is weak because the dollar is strong'. We say, 'The peso is weak because the US$, SG$, HK$, JP¥, NT$, GBP, AED, CHf, CN¥ and other currencies are strong'".
Bagama't walang direktang binanggit na pangalan, nagkomento naman ang mga netizen tungkol sa naging pahayag ni Marcos.