TAYABAS CITY, Quezon -- Patay ang isang dating police corporal nang barilin umano ito ng hindi pa nakikilalang gunman habang nakikipag-inuman sa Brgy. San Isidro Zone 1, nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 13.

Ang biktima ay kinilala na si Kim Palanca Labado, 36, dating pulis sa Tayabas City Police Station at naninirahan sa Brgy. Mateuna. 

Ayon sa ulat, nakikipag-inuman ang biktima sa kaniyang mga kaibigan ang dumating ang suspek at pinagbabaril umano ito dakong alas-2 ng madaling araw.

Nagtamo ng mga tama sa katawan ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mabilis na tumakas ang suspek na nakasuot ng short pants at itim na jacket.

Napag-alaman na ang biktima ay isa sa 11 pulis ng Tayabas City PNP na kinasuhan kaugnay sa pagkamatay ng anak ng isang lokal na politiko sa Quezon. 

Isa umano si Labado na pinawalang sala ng korte base sa desisyon na wala itong direktang partisipasyon sa nangyaring krimen noong Marso 14, 2019. 

Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Tayabas City police para alamin ang motibo at pagkakakilanlan ng salarin.