Naitala ng Department of Health (DOH) ang 2,883 na bagong kaso ng Covid-19 nitong Huwebes, Oktubre 13. 

Umabot na sa kabuuang 245,293 ang aktibong kaso mula sa 24,283 infections nq naitala nitong Miyerkules, Oktubre 12. 

Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na naitalang kaso ng Covid-19 sa loob ng 14 na araw na 11,235, sinundan ng Calabarzon na 5,429; Central Luzon, 2,890; Davao Region, 1,408; at Western Visayas, 1,019.

Umabot naman sa 3,887,188 ang recovery tally habang nasa 63,403 naman ang mga nasawi dahil sa sakit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, umaabot na sa 3,975,884 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Kinumpirma rin ng DOH na wala pa silang nade-detect na kaso ng Omicron subvariant XBB sa bansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/13/bagong-variant-omicron-subvariant-xbb-hindi-pa-na-detect-sa-pinas/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/13/bagong-variant-omicron-subvariant-xbb-hindi-pa-na-detect-sa-pinas/