TUGUEGARAO CITY -- Nagsuspinde ng klase ang ilang Local Government Unit sa lalawigan ng Cagayan nitong Miyerkules, Oktubre 12, dahil sa epekto ng Tropical Depression "Maymay."
Nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas ang bayan ng Sta. Teresa, Apparri, at Lal-Lo kabilang ang trabaho sa opisina ng gobyerno maliban sa mga frontliners.
Sinuspinde ng Cagayan Provincial Information Office (CPI) ang mga klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Tuao, Lasam, Lal-lo, Buguey, Camalaniugan, Sanchez Mira, Allacapan, Sto. Niño, Gattaran, Alcala, Enrile, Sta. Praxedes, Rizal, Sta. Ana, Sta. Teresita at Piat.
Habang elementary hanggang high school lamang sa Claveria at pre-school hanggang elementary naman sa Pamplona.
Samantala, suspendido naman ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa Ballesteros, Gonzaga, Tuguegarao, Amulung at Iguig.