Tampok ang obra ng isang Pinoy artist sa Al Ain Oasis, isa sa pinakamalaking oasis sa United Arab Emirates (UAE) na itinuturing din na world heritage site ng UNESCO.

Sa serye ng Facebook posts ni Al Baleda, isang Dubai-based visual artist, ipinagmalaki ng Pinoy ang kaniyang acrylic mural painting sa makasaysayang lugar.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Si Al din ang nasa likod ng pinakabagong mga obra sa pader sa Grand Hazza bin Zayed Stadium sa parehong lugar.

Sa ulat ng The Global Filipino Magazine, ang tubong-Albay na pintor ay inirekomenda ng kaibigan sa isang project manager na nagbakasyon sa Pinas.

Ang nakakamangha pa rito, orihinal na cake designer ang trabaho ng Pinoy expat sa Dubai, dagdag ng ulat.

Maliban sa Al Ain Oasis, isa rin si Al sa mga nagbigay bagong-bihis sa isang pader sa Sheikh Zayed Grand Mosque sa Abu Dhabi, isa sa pinakamalaki at pinakamagandang mosque sa buong mundo.