Isa sa mga pumuri sa pinag-uusapang teleserye ngayon ng GMA Network na "Maria Clara at Ibarra" na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose, ay ang abogadong si Atty. Gideon V. Peña.
Simula nang umere sa GMA Telebabad ang naturang serye na halaw mula sa walang kamatayang nobela ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere" ay lagi na itong nasa trending list sa Twitter at iba pang social media platforms. Mataas din ang TV ratings na nakukuha nito gabi-gabi. Puring-puri din ang aktingan ng cast, lalo na si Barbie bilang "Klay".
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/">https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/
Ayon kay Peña, napapanahon na raw upang gumawa ng mga ganitong uri ng tema sa mga teleserye, hindi lamang upang magbigay-aliw, kundi upang magturo.
"GMA7 did a good job with Maria Clara at Ibarra. We need more shows like this that not only entertain, but also educate the people about our past."
"For our past is not meant to be forgotten, but remembered."
Sumang-ayon naman ang mga netizen, at anila ay napapanahon na raw upang makipagsabayan ang Pilipinas sa hit historical dramas ng mga Korean, na patok na patok naman sa Pinoy viewers.