Kinabiliban ng maraming fans ang "halimaw" na pagbirit ni “Britain’s Got Talent” finalist at “Never Enough” singer na si Loren Allred sa isang classic Regine Velasquez song kamakailan.

Sa kaniyang social media account, nagbalik-tanaw ang singer sa naganap na “East Meets West” concert ng Filipino-American music producer na si Troy Laureta kasama ang ilang maningning na OPM artists noong Setyembre 30 at Oktubre 1.

Dito, ibinahagi rin ng American artist ang naging live performance sa wakas sa kantang “Araw Gabi” ni Songbird na opisyal niya ring nirekord noong Nobyembre 2021.

Nasa mahigit 1.2 million views na ang version ni Loren sa ">YouTube sa pag-uulat.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Lalo naman pinabilib ni Loren ang maraming Pinoy fans sa live interpretation niya sa kanta ng OPM icon.

“Reminiscing this incredibly special moment last week in Manila, singing a classic Filipino song in Tagalog called “Araw Gabi” with the incomparable@troylaureta! So humbled to have been able to sing it knowing that the songbird of the Philippines was up next@reginevalcasidas well as so many unbelievably talented singers that I had admired from afar until that night!” mababasa sa IG post ni Loren kamakailan.

Basahin: ‘Never Enough’ singer Loren Allred, tampok sa concert ni Troy Laureta sa Pilipinas – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Troy sa singer para sa aniya'y espesyal na moment.

“Thank you for sharing this special moment with me Loren! You killed it!’ I cannot wait to do it all again! Love you, ❤️” anang Pinoy producer.

Tampok din sa matagumpay na two-night musical homecoming ni Troy ang mag-asawang Regine at Ogie, at ang vocal champs na sina Jona Viray at Jed Madela, bukod sa iba pa.

Sa New Port Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay, naganap ang naturang concert.