May pahayag si Manay Lolit Solis hinggil sa kasong kinakaharap ngayon ng aktor na si Vhong Navarro.
Sa isang Instagram post, inihayag ni Manay ang kaniyang saloobin tungkol sa kinakaharap ngayon ng aktor.
"Naawa naman ako sa mga nangyayari ngayon kay Vhong Navarro, Salve. Hindi mo aakalain na sasapitin niya ang pangyayaring ito lalo na ngayon nasa itaas ang kanyang career, at pati personal life niya ay maayos," saad niya nitong Miyerkules, Oktubre 12.
"Biglang nabuhay ang kaso na akala ng marami ay tapos na, pero heto ngayon at isang malaking iskandalo," dagdag pa niya.
Payo rin niya sa mga artistang lalaki na maging maingat sa kanilang mga relasyon dahil hindi raw lahat ay natatapos sa maganda.
"Isang aral ito sa mga artistang lalaki, na maging maingat sa kanilang mga relasyon. Hindi lahat ay natatapos sa maganda, puwede may bitterness na maiwan at iyon ang maging dahilan para balikan ka sa pamamagitan ng anuman para lang makaganti sa iyo," ani Lolit.
Sinabi rin niya na sana raw ay maging maayos ang lahat sa pagitan nina Navarro at Deniece Cornejo. Binanggit din niya na malaking suntok sa career ng aktor ang nangyayari ngayon.
"Sana nga maging maayos na ang lahat sa kaso nila Vhong at Deniece. Sana nga mapag usapan ng maayos para maging maganda ang resulta.
"Mahihirapan makatayo uli si Vhong Navarro mula sa scandal na ito. Malaking suntok sa kanyang magandang career ngayon ang nangyaring scandal. Pero higit sa lahat, kawawa din ang pamilya niya na nagsa suffer ngayon, lalo na ang kanyang asawa.
"Kung anuman siguro ang naging kasalanan ni Vhong Navarro, sure ako na ngayon sobra sobra na ang pagsisisi niya. At kung maibabalik lang ang araw, tiyak na hindi niya gagawin kung anuman pagkakamali ang nagawa niya. Siguro nga naisip na niya na sa isang iglap puwede mawala ang lahat, kaya dapat na maging maingat sa anuman gagawin.
"Justice is fair kaya iwanan na natin sa hustisya ang lahat. Naniniwala tayo na kung ano ang nararapat, iyon ang mangyayari. Hustisya, iyan na lang ang hintayin natin."
Sa huling Balita, nakatakdang resolbahin ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) sa Huwebes, Oktubre 13, ang petition for bail na inihirit ng kampo ni Navarro kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ni Cornejo.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/12/ibabasura-o-aaprubahan-pagdinig-sa-petition-for-bail-ni-vhong-navarro-sa-huwebes-na/