Mahigit triple ang itinaas ng kaso ng cholera sa Pilipinas sa loob ng nakaraang 10 buwan kumpara sa kabuuang kaso nito noong 2021.
Sa datos ngDepartment of Health (DOH), nasa 3,729 na kaso nito ang naitala mula Enero hanggang Oktubre.
Nasa 976 na kaso lang ang naitala ng ahensya nitong nakaraang taon.
Naitala naman ng DOH ang 33 na binawian ng buhay sa cholera.
"Kapag hindi naagapan, nagkakaroon ng severe dehydration ang mga pasyente lalung-lalo na kung ang pasyenteng may cholera ay immunocompromised o vulnerable sila," paliwanag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.
"'Yung mga bata less than 5 years old o 'di kaya kapag tinamaan ang matanda, mas mataas ang risk or probability of dying from cholera," dagdag niya.
Binanggit ng DOH na naitala nila ang lagpasna sa epidemic threshold o average na bilang ng mga kaso sa nakalipas na 5 taon saCentral Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas.
Nauna nang inihayag ng Eastern Visayas Center for Health Development, na lagpas sa 3,572 ang suspected cases ng cholera sa rehiyon.
Isinisi naman ito ng DOH sakakulangan ng kalinisan sa komunidad.
Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization sa pagdami ng bansang tinatamaan ng cholera sa mga nakaraang taon.