Usap-usapan ngayon sa social media ang tweet ng dating Senate President na si Tito Sotto III matapos niyang magbigay ng claim na makalipas umano ang 34 taon, ang kaniyang proposal noon na iparehistro ang mga Subscriber Identity Module (SIM) card, sa wakas ay nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Bongbong Marcos.
Kahapon, Oktubre 11, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. bilang batas ang "SIM Card Registration Act", bagay na ipinagpasalamat naman ni Sotto.
"FINALLY!!! After 34 years of my proposal, now a law! Praise God!!!🙏" ayon sa tweet ng dating senador.
Sumang-ayon naman dito ang dati ring senador na si Panfilo Lacson, Jr. na naging katandem niya noong nakaraang halalan.
"Yes, I still remember my interpellation when you sponsored the measure on the floor. My first question was: what does SIM stand for? I also vividly remember your response."
"It took me a while to answer hahaha!" ani Sotto.
Umayon naman dito si Senador Joel Villanueva na nagsabing isa sa mga legasiya ni Sotto ang naturang panukala.
"Thanks to you Boss SP @sotto_tito This is also your legacy as it is one of your pet bills Sir. God bless you more!"
Sa iba pang tweets ay iginiit ni Sotto na matagal na niyang isinusulong ito subalit kumokontra naman ang mga telecom companies.
"In 1998 as Public Services comm chair, I asked NTC to issue a directive registering prepaids. They did! SC issued a TRO that lasted for decades!"
"1998 pa when I proposed prepaid sim card registration, kontra na mga telcos! Daming dahilang palusot, all wrong!" giit pa ni Sotto noong Setyembre 30.
Ngunit may ilang mga netizen ang kumuwestyon sa claim ng dating senate president dahil kung 34 taon na umano ang nakalilipas, ito ay 1988, at ang mga SIM cards ay naimbento noong 1991.
"Medyo confused lang po kami. 1988 po nagsimula ang proposal? Wala pa pong sim card that time. 1991 ang sim card na develop at 1992 kayo naging senador. Tama po ba?"
"Wala pang cellular phone system ang Pilipinas noong 1988. Ang kauna-unahang cellular phone company ay inilunsad lamang noong 1991 o 31 years ago."
"34 years? May SIM card na ba nun?"
"Sen. You proposed this in 1988? or am I missing something?"
Samantala, ilang mga netizen din naman ang nagtanggol kay Sotto at baka ito raw ay "exaggeration" lamang, na finally ay naisabatas na rin makalipas ang mahabang panahon, kagaya ng palasak na ekspresyong "After 48 years…"
Wala pang tugon o pahayag ang dating senador kaugnay nito.