May paalala si Kapamilya TV host Bianca Gonzalez sa mga netizen tungkol sa kanilang mga fina-follow sa social media, sa pamamagitan ng kaniyang tweets nitong Martes, Oktubre 11.

Aniya, dapat maging maingat ang lahat sa mga pag-follow sa iba pang mga gumagamit sa social media dahil baka maging "echo chambers" sila.

"Who you follow on social media becomes your echo chamber, so choose wisely and have a good balance of followed accounts that will keep you curious and open-minded. Echo chambers can be dangerous if puro one side lang. (**tweets me who is trying to balance my echo chambers)," aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1579837163922784256

"Automatic friction point din kasi ang feed with different hot takes. Kasi pag scroll mo and it's all similar opinions, that gets louder in our head and we tend to react faster. But if you scroll and its different points, it makes us think, 'wait, what do I really think of this?'"

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1579837911154929664

Hindi porke't gusto, hinahangaan, o iniidolo aniya ng isang tao ang kaniyang fina-follow, ay sasang-ayon na ito sa mga sinasabi nitong pananaw o opinyon sa social media.

"And yes, that is important. Taking the time to figure out what YOU think, that isn't necessarily the same as those you follow.. pwedeng same, pwedeng similar 'but this or that', pwedeng iba."

"And that matters, that's integrity, something others cannot take away from you," pagdidiin ni Bianca.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1579838857452826624