Humanga ang mga netizen sa husay na ipinakita ng aktor na si Baron Geisler sa pelikulang "Doll House" na nagsimulang umere sa Netflix Philippines noong Oktubre 7, at agad na tumuntong pa sa top spot.
"Pinahirapan tayo ni Halle Berry pero the FILIPINO AUDIENCE has spoken again and again and again! Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nanood ng aming pelikula, the FILIPINO AUDIENCE is worth risking and you fuel our passion! You are the best audience in the world! Maraming salamat po!" ayon sa Facebook post ng Mavx Productions, Inc.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong bumida si Baron sa isang pelikula dahil nasanay ang viewers na lagi siyang nasa supporting roles, o kaya naman ay kontrabida.
Ngunit sa pagkakataong ito ay ipinakita ni Baron na deserve niya ang pangalawang pagkakataong ibinibigay sa kaniya ngayon, at kayang-kaya niyang bumida at magpaiyak sa isang pelikula, malayo sa mga nakakasanayan nang role niya bilang nakakagalit na kontrabida.
Narito ang ilan sa mga feedback at komento ng netizens na mababasa sa opisyal na Facebook page ng Netflix Philippines na may caption na "Ang dami ko nang iniyak sa Doll House".
"Great job guys!!! Ito ang sinasabi kong tunay na film makers na maangas gumawa! Maganda from the start to finish!!! And grabe si Baron Geisler napakabangis umacting! Sana magkaroon kayo ng pelikulang magkapatid na drama! Paolo Contis and Baron Geisler, sigurado ubos na naman tissue kakaiyak! Galing n'yo po!!!!"
"Ang galing ni Baron! Sana mabigyan pa siya ng mga proyektong ganito, na talagang masho-showcase ang talento niya."
"Kudos sa team, especially sa bidang si Baron! Deserve na deserve niya ito, at ang husay-husay niya! Sana talagang huwag na siyang bumalik sa mga dati niyang gawi, kasi sayang naman ang talento niya."
"Baron is such a great actor. After all he's done, this movie portrayal hits close to home. An alcoholic, drug-addict, yet he changed. Thank you for giving him another chance."
"Baron is really indeed a very good actor. Salute."
"No doubt Baron is a very good actor. I hope he won't relapse."
"Sobrang galing ni Baron Geisler. Maybe he is a late bloomer compared kina John Lloyd na kasabayan niya sa Tabing-Ilog noon pero this project is really meant for him and is a trademark. He really nailed it! I wish him more projects like this."
Kudos sa team Doll House at kay Baron!