Iminungkahi ni Sen. Imee Marcos na muling bisitahin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ginawa ni Marcos ang pahayag sa pagdinig ng Senate finance subcommittee, na tumatalakay sa 2023 budget ng DSWD at mga kalakip na ahensya nito.
Sa tingin ni Marcos, oras na upang balikan nang seryoso ang 4Ps dahil ang gobyerno ay gumastos ng napakalaki at sa ngayon, ngunit tanging napatunayan na katotohanan lamang umano ay nakakatulong ito sa pansamantala o panandaliang kahirapan ngunit hindi upang makaalis sa kahirapan.
Sinang-ayunan naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang senador.
"I agree with you that it is high time that we have to revisit ito pong 4Ps na batas po natin," ani Tulfo
Samantala, hinimok ni Senador JV Ejercito ang DSWD na pangalagaan ang pagpapatupad ng 4Ps payout, dahil may mga ulat umano ng mga local chief executive na hinati ang tulong sa mga benepisyaryo.
"Alam niyo naman na may iba diyan na talagang mahusay. D’un sa mga beneficiaries, kalahati lang po ang binibigay ‘di ba? ‘Yung kalahati, hindi binibigay. So those are the things, probably if we can have safeguard on things like those kasi nakakaawa," ani Ejercito.