Tatlong lugar na lang ang isinailalim sa Signal No. 1 sa bagyong Maymay, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kabilang sa mga ito ang eastern portion ng Isabela (San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, San Agustin, Palanan, Divilacan, Jones, Maconacon, Tumauini, Echague, Cabagan), eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay, Saguday), at northern portion ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Dipaculao).

Sa abiso ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo 245 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 10 kilometer per hour (kph) at taglay ang hanging nasa 45 kph at bugsong hanggang 55 kph.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Babala ng ahensya, malakas ang dalang hangin ng bagyo sa mga lugar na apektado nito.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng humina ang bagyo sa susunod na 12 oras habang tinatahak nito ang silangang karagatan ng Isabela o Aurora.