Iniutos ng Court of Appeals (CA) na ibalik sa serbisyo ang dalawang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na sinibak sa serbisyo noong 2014.

Sa ruling CA, iligal ang pagkakasibakni dating Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima sa dalawang deputy director kina Reynaldo Esmeralda na noo'y hepe ng Special Investigation, at Ruel Lasala na hepe ng Intelligence Services.

Isinagawa ang pagsibak sa panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino.

Sina Esmeralda at Lasala ay sinibak sa serbisyo noong Marso 2014.

Bukod sa agarang pagpapabalik sa kani-kanilang tungkulin, inatasan din ng CA ang gobyerno na bayaran ang suweldo, mga insentibo at benepisyo ng dalawa alinsunod sa Republic Act 10867.

Matatandaangwalang ibinigay na rason si De Lima nang sibakin nito sina Esmeralda at Lasala sa serbisyo.