Nilinaw ni Police Gen. Rodolfo Azurin, Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), nitong Martes, Okt. 11, na hindi nito hangaring bastusin ang komunidad kasunod ng paggamit ng salitang ‘Muslim’ para tukuyin ang tatlong preso na nagtangkang tumakas sa Camp Crame detention facility noong Linggo, Okt. 9.

Nanguna rin si Azurin sa paghingi ng paumanhin kay Senador Robin Padilla at sa mga Muslim sa hindi naaangkop na paggamit ng salita dahilan para magkaroon ito ng negatibong kahulugan.

“The entire PNP organization would like to apologize to the good Senator Robin Padilla and the entire Muslim community for the inconvenience brought by the interpretation for using the term ‘Muslim’ to refer to someone committing a crime,” ani Azurin.

“This was said without any malice to malign the reputation of our Muslim brothers and sisters. Let this be a lesson to educate the entire PNP organization to be more discerning in addressing all sectors in the society with prudency,” dagdag ng opisyal.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nauna nang pinuna ni Padilla ang PNP matapos tukuyin ng ilang opisyal nito na Muslim ang tatlong preso, ang paggamit ng salita ay binibigyang kahulugan sa stereotype na Muslim bilang mga lumalabag sa batas.

Basahin: Pagtawag na ‘Muslim’ sa mga salarin sa hostage-taking sa Camp Crame, inalmahan ni Padilla – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hinimok din ng senador ang PNP na turuan ang lahat ng mga tauhan nito lalo na sa pakikitungo sa Muslim community.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, limang porsyento ng populasyon ng Pilipinas ay Muslim, karamihan sa kanila ay naninirahan sa kanluran at gitnang bahagi ng Mindanao.

Mayroon ding ilang mga pamayanang Muslim sa Metro Manila at iba pang mga urban na lugar.

Isa sa mga preso ay na-tag bilang pinuno ng Abu Sayyaf Group habang ang dalawa pa ay miyembro ng naturang group. Lahat sila ay napaslang sa insidente.

Ang tangkang pagtakas ay humantong din sa hostage incident na kinasangkutan ni dating senador Leila de Lima.

“Again, we mean no disrespect and we have always considered the Muslim community as our partner in community-building,” ani.

“Rest assured that the PNP will always uphold the rule of law in all its actions and will always respect the person’s rights regardless of religion, culture and origin,” dagdag niya.

Aaron Recuenco