BAGUIO CITY – Muli nang binuksan angChristmas Village sa Baguio Country Club na may temang "Oriental Winter Wonderland"para maghatid ngkasiyahan sa mga residente at turista, lalong-lalo na mga kabataan sa Summer Capital.
“Ang disenyo natin ngayon taon ay ang mga sikat na parke sa Japan at Korea, na gaya ngang nakaugalian sa mga nagdaang taon ay mga ay eco-friendly environment materials ang ginamit,” pahayag ni Andrew Pinero, communication officer ng BCC.
Ayon kay Pinero ang Christmas Village ay nag-soft opening noong Oktubre 10 at ang grand opening ay sa Oktubre 29.
Ayon kay Pinero, sa ika-11 taon ng Christmas Village,hindi mawawala ang kinasasabikan ng mga bata, ang artificial snow na ngayon ay dinagdagan pa upang lalo pang mag-enjoy ang mga bisita at nativity show gabi-gabi.
“We make sure na ma-eenjoy din ng mga bisita sa mga food concessioner na inilagay namin sa loob ng village at naglagay din ng mas maraming chair para sa ating mga senior citizen at PWD,” pahayag pa ni Pinero.
Ang Christmas Village, na magtatapos sa Enero 8, 2023, ay bukas sa publiko mula 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m.
Ang entrance fee mula 10 a.m hanggang 4:59 p.m, ay P90 para sa mga matatanda; ang mga batang 4-12 taong gulang ay P50; Senior Citizen, P30 at libre naman ang mga PWD at mgas batang 3 taong gulang pababa.
Ang entrance free naman mula 5:00 p.m. hanggang 10:00 p.m., para sa adult ay P125, ang mga batang 4-12 taong gulang ay P90, at ang senior citizen, P50 at PWD at mga bata ay libre.