Abot-abot ang pasasalamat ni Manay Lolit Solis sa kaibigang si “King of Talk” Boy Abunda matapos magpaabot na rin ng tulong para sa kaniyang patuloy na dialysis session.

Sa isang Instagram post noong Linggo, una nang ibinahagi ng kolumnista ang balitang magpapaabot ng tulong ang batikang host sa kaniya.

“Umiyak ako ng sabihin ni Gorgy na nagpadala ng love check si Boy Abunda para sa dialysis session ko; Salve. Naiyak ako dahil para bang ang dami talagang tao na nagmamahal sa akin. Gusto ko nga magyabang na sa dami ng nagbibigay ng love check para sa dialysis ko, parang sa loob ng isang taon bayad na ang pagda-dialysis ko,” anang 75-anyos na si Manay Lolit.

Hindi aniya pagmamayabang, marami na rin daw siyang tinanggihan na tulong.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Tinatanggihan ko iyon ibinibigay ng mga taong hindi ko masyadong type dahil baka iyon freedom of expression ko na magbigay opinion malagay sa alanganin dahil sa tatanawin kong utang na loob sa bibigay nilang tulong,” anang manunulat.

Dagdag niya, kasunod ng pagkakasakit, nakita umano niya ang pagmamahal “sa bugso ng mga tulong.”

Basahin: Manay Lolit Solis, ‘talagang dusa,’ ‘di ramdam ang pag-asa sa kaniyang pagpapa-dialysis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kahit 1 year ako magda dialysis, meron na akong pambayad, at mas malaki pa mga tinanggihan kong tulong. My heart is full, dahil feel na feel ko ang dami ng mga kaibigan ko na gusto ako makitang gumaling,” ani Manay.

Nitong Martes, Oktubre 11, binalikan naman ng batikang showbiz commentator ang pagkakaibigan nila ni Boy na nagsimula pa nang maging bahagi sila ng original casts ng “Startalk,” ang nangungunang weekend showbiz talkshow ng GMA Network noon.

“Noon pang magkasama kami sa Startalk nakita ko na ang kanyang likas na kabaitan. Mahal na mahal siya ng staff dahil aside from being generous masaya siyang katrabaho. Siya ang perfect example ng isang marunong sa time management. Suwerte ang mga alaga niya dahil para siyang father figure sa mga ito,” pagbabalik-tanaw ni Manay.

Pagtitiyak pa niya sa host, “Grateful forever Boy Abunda. I will never ever forget your kindness and generosity. I hope I can repay it someday to show you how grateful I am. Talagang tunay kang kaibigan sa hirap at ginhawa.”