Ibinahagi mismo ng lead vocalist ng bandang "Eraserheads" na si Ely Buendia na sold out na ang kanilang mga tiket para sa nalalapit nilang reunion concert sa Disyembre 22, 2022.

Iyan mismo ang kinumpirma ni Buendia sa kaniyang Instagram post nitong Oktubre 10, 2022. Kalakip ng kaniyang IG post ang isang pubmat na nakasaad na sold out na ang mga tiket.

Gaganapin ang "Ang Huling El Bimbo" reunion concert sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City, na muling pagsasama-sama nina Raymund Marasigan, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at lead vocalist nitong si Ely Buendia.

Ang "Moshpit" o pinakamalapit sa entablado ay nagkakahalagang ₱17,260, ang VIP naman ay ₱14,610, at ang Platinum ay ₱12,180.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ang Gold naman ay ₱9,740, Silver ay ₱5,480, at ang Bronze ay ₱3,050.

"Thank you for supporting Filipino artists. We will try to make this an unforgettable experience for all of you," ayon sa caption ni Buendia.

Matatandaang nawindang ang mga netizen sa presyo ng tiket sa naturang reunion concert. May mga nagsabing presyuhang international artists na raw ito.

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din sa banda na deserve na raw nila ang ganitong presyuhan dahil iconic na sila. Matagal na rin silang nami-miss ng kanilang mga tagahanga simula nang huminto muna sila sa pagpe-perform.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/presyo-ng-tiket-sa-reunion-concert-ng-eheads-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/">https://balita.net.ph/2022/10/04/presyo-ng-tiket-sa-reunion-concert-ng-eheads-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/