Iniulat ng Department of Health (DOH) na gumaling na ang ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Sinabi ng DOH na "walang karagdagang sintomas" ang nakita sa 25-anyos na Pilipino na walang kasaysayan ng paglalakbay sa anumang bansa na may kumpirmadong kaso ng monkeypox.

“Upon further verification, the case was tagged as recovered on the same day was discharged from the hospital on Sept. 15,” sabi ng DOH sa isang pahayag.

“[The] case has met the required lesion criteria for de-isolation,” dagdag ng pahayag.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ngayon, apat na ang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa Pilipinas mula noong unang natukoy nitong Agosto.

Ang monkeypox virus ay "naililipat mula sa isang tao patungo sa isa pa sa pamamagitan ng malapit na kontak sa mga sugat, likido sa katawan, respiratory droplets  at mga kontaminadong materyales tulad ng kama," sabi ng World Health Organization (WHO).

“Monkeypox typically presents clinically with fever, rash and swollen lymph nodes and may lead to a range of medical complications,” dagdag ng ahensya.

Analou de Vera